Home NATIONWIDE Notoryus na tulak ng droga sa region 02, huli

Notoryus na tulak ng droga sa region 02, huli

96
0

CABAGAN, Isabela – Bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang mister na tinaguriang notoryos na nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot na kabilang sa Regional High Value Target sa Purok 6, Brgy. Catabayungan, Cabagan, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Merwin Villanueva, hepe ng Cabagan Police Station kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, ang nahuling suspek ay si Jayson Canceran, 44 anyos, may-asawa at residente Brgy. CaƱogan, Sto. Tomas, Isabela,

Sa direktiba ni PCol. Bauding sa pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs ay matagumpay na nahuli ang suspek na pinangunahan ng Cabagan Police Station, Isabela – Provincial Drugs Enforcement Unit o PDEU at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa isinagawang Anti-Illegal Drug (Buy-Bust) operation.

Nakumpiska mula sa oag- iingat ng suspek ang isang pakete nang hinihinalang shabu (Buy-bust Stuff); isang pirasong genuine one thousand (1000) peso paper bill (marked/buy-bust money); isang pirasong one thousand (1000) boodle money (marked/buy-bust money); at isang unit ng kulay asul na Yamaha Mio i125.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Violation of sec. 5 of art. II of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here