DELFIN ALBANO, Isabela – Isinelda na ng pulisya ang mister na suspek sa pagpatay na tinaguriang Top 7 Most Wanted Person Regional level matapos na maaresto ng pulisya sa Barangay Santor, Delfin Albano, Isabela.
Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Angelo Pagulayan, hepe ng Delfin Albano Police Station kay PCol.Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Provincial Office o IPPO ang suspek ay kinilalang si Guilbert Sanchez, 24 anyos, may-asawa at residente sa nasabing lugar.
Sa direktiba ni PCol. Bauding ay naaresto ang suspek na pinangunahan ng Delfin Police Station kasama ang RIU-2, CIDG, 201ST RMFB, PIT Isabela East, PIU-IPPO, PIDMU-IPPO at1st PMFC.
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng hukuman ay walang kaukulang piyansa ng akusado na posibleng habangbuhay na pagkabilanggo.
Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. Rey Velasco