TACLOBAN CITY – Patay ang isang lider ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa 78th Infantry Battalion sa Barangay San Gabriel, Borongan City, Samar nitong Sabado, Enero 6.
Kinilala ng 8th Infantry Division ang nasawi na si Martin Colima, alyas “Maki,” “Seloy,” “Badong,” at “Antos,” secretary ng Sub-Regional Committee-Sesame, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).
Nasamsam ng Army ang isang caliber .45 pistol at pitong backpack sa encounter site sa hinterlands ng Borongan.
Nag-operate ang grupo ni Colima sa tri-boundaries ng Pinabacdao, Calbiga, at Basey sa Samar at sa probinsya ng Eastern Samar.
Siya ang umano’y utak at isa sa mga salarin sa pananambang sa Barangay Libuton, Borongan noong Disyembre 13, 2019 kung saan isang pulis at tatlong sibilyan ang napatay at 12 iba pa, kabilang ang tatlong menor de edad, ang sugatan.
Umapela siya sa pamilya ni Colima na kunin ang kanyang mga labi sa Barangay San Mateo, Borongan para mabigyan siya ng disenteng libing kapag natapos na ang proseso para sa kanyang pagkakakilanlan. Santi Celario