Home NATIONWIDE 154 dagdag-kaso ng COVID naitala

154 dagdag-kaso ng COVID naitala

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health ng 154 bagong kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Agosto 4.

Dahil dito ay umakyat na sa 4,173,631 ang nationwide caseload.

Ito na ang ikawalong sunod na araw na mas mababa sa 200 kaso ang naitatala araw-araw.

Ang aktibong kaso naman ay bumaba pa sa 3,832, at ang recovery tally ay nasa 4,103,172.

Walong bagong nasawi naman ang naitala nitong Biyernes na nagdala sa death toll sa 66,626.

Sa nakalipas na dalawang linggo, nananatiling ang National Capital Region ang may pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa 493, sinundan ng Calabarzon sa 309, Central Luzon sa 296, Western Visayas sa 183, at Davao Region sa 180.

Samantala, ang national bed occupancy rate ay nasa 13.8% nitong Huwebes, sa 3,304 okupado at 20,658 na bakanteng kama. RNT/JGC

Previous articleMAGHANDA SA 14 PANG BAGYO
Next article2 tulak ng iligal na drog timbog sa Valenzuela drug ops, P140K droga nasamsam