Home OPINION MAGHANDA SA 14 PANG BAGYO

MAGHANDA SA 14 PANG BAGYO

144
0

HINDI pa tapos ang laban sa kalamidad gaya nang ipinarating ng mga bagyong Egay at Falcon at ng habagat.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, karaniwang may 20 bagyong dumarating sa Pilipinas taon-taon.

Ang Falcon ay pang-6 pa lang kaya malaking posibilidad na magkakaroon pa tayo ng 14 na bagyo hanggang katapusan ng taon.

Dahil dito, maghanda-handa tayo sa pinakamasamang pangyayari sa halip na umasa na hindi tayo sasalantain ng mga bagyo.

Sa bagyo na katulad ni Egay na naging supertyphoon dapat tayo maghanda.

Ika nga, sa pinakamasamang pangyayari tayo dapat maghanda.

Sa China na binabayo ni Egay hanggang sa tinitipa ito, mga brad, sinasabi ng mga Chinese na ito ang pinakamalakas na bagyo sa kanila sa nakalipas na 140 taon.

Ngunit mas marami ang namatay sa atin kaysa sa kanila.

Dapat alalahanin na hindi lang ang pagiging supertyphoon ng mga bagyo ang paghandaan kundi maging ang mga dala nilang napakalalakas na ulan at laki nila gaya ng 1,200 kilometrong lawak na si Egay.

Derpor, naririyan din ang mga matitinding pagbaha.

Ang paghahanda ay dapat nakatuon sa malawakan at matagalang gutom, pagkasira ng hanapbuhay at ari-arian, pagkakaroon ng mga blackout, kamatayan, pagkakasakit at iba pa.

Kabilang din sa paghahanda ang pakikinig sa mga impormasyong isinisiwalat ng PAGASA at media para malaman natin ang pagdating ng mga kalamidad.

Mahigpit na pagtutulungan sa paghahanda laban sa mga bagyo at ibinubunga nilang mga kalamidad ang kailangan ng lahat.

Huwag dapat iasa lahat sa pamahalaan ang laban kundi mismo sa ating mga sarili rin.

Huwag ding iasa lahatĀ  sa Diyos at panalangin.

Walang kapalit ang mahigpit na patutulungan ng mga mamamayan at pamahalaan at panalangin sa Diyos na iligtas tayo sa halo-halong anyo at mababangis na kalamidad.

Previous articleTiffany Grey, ibinigay ang lahat, natakot sa magulang!
Next article154 dagdag-kaso ng COVID naitala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here