Home ENTERTAINMENT Tiffany Grey, ibinigay ang lahat, natakot sa magulang!

Tiffany Grey, ibinigay ang lahat, natakot sa magulang!

Manila, Philippines – Sumumpa ang Vivamax sexy star na si Tiffany Grey na ibang klase ang mga pasabog na ginawa niya siya sa kanyang launching movie na Kamadora.

“Since launching movie ko ito, nag-all out talaga ako dito. Mas matindi pa sa mga ginawa ko sa My Father, Myself,” sabi niya.

Si Tiffany na rin ang nagsabi na mahigpit at strict ang kanyang mga parents ngunit napanood na nila ang mainit na trailer ng Vivamax movie.

“Nakita na ng mga magulang ko ang trailer and nagandahan naman sila, gusto nila mapanood ang whole movie ko pero sabi ko, ‘wag na lang, hanggang trailer na lang sila,'” kwento pa niya.

Hindi raw kasi siya sigurado kung susuportahan siya or magagalit ang mga magulang niya kapag napanood ang buong pelikula.

Ang Kamadora ay isang sexy-thirller na

kwento ng isang dalagang matututunang maging makasarili dahil sa kalupitan ng mundo.

Ang Kamadora ay pelikula ng Cult Director na si Roman Perez Jr. Kasama rin ni Tiffany sa movie sina Victor Relosa, at Junjun Quintana. Mapapanood din sa pelikula sina Armina Alegre at Angie Castrence.

Ang Kamadora ay streaming na sa Vivamax simula ngayong August 11, 2023. JP Ignacio