ILOILO CITY- Pinaigting ng militar ang surveillance sa New People’s Army (NPA) sa Panay Island, na magiging hamon sa mga rebelde na mag-regroup at matapos mapatay ang tatlo sa mga pinuno nito.
Sinabi ni Lieutenant Colonel J-Jay Javines, spokesperson ng Philippine Army’s Third Infantry Division (3ID), na nakaamba ang “leadership vacuum” sa mga miyembro ng NPA sa Panay Island matapos ang serye ng anti-insurgency operations ng pwersa ng pamahalaan mula Hulyo 29 hanggang Aug. 31.
“Even if they find a replacement, it will be challenging as we are closely monitoring their movements,” dagdag niya.
Mula Hulyo 29 hanggang Agosto 31, nagsagawa ang militar ng 14 operasyon na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong NPA officials.
Nasabat ng Philippine Army ang 30 armas sa month-long operations.
Muli namang hinimok ni Brigadier General Michael Samson, commander ng 301st Infantry Brigade, ang natitirang miyembro ng NPA na sumuko na, kasabay ng babalang hindi titigil ang militar sa kampanya nito laban sa insurhensya. RNT/SA