Home NATIONWIDE Number coding suspendido sa Agosto 21 – MMDA

Number coding suspendido sa Agosto 21 – MMDA

269
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang implementasyon ng expanded number coding scheme sa Huwebes, Agosto 21 matapos ideklara ang special non-working holiday.

“Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Huwebes, Agosto 21, isang special non-working holiday para sa paggunita ng Ninoy Aquino Day,” saad sa abiso.

“Awtomatikong sinususpinde ang number coding tuwing official at special non-working holidays,” dagdag pa.

Samantala, nauna nang idineklara ng Malakanyang na regular holiday sa susunod na Lunes, Agosto 25 bilang paggunita sa National Heroes Day. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here