MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa mga sasakyan sa Lunes, Agosto 31, 2026, bilang paggunita sa National Heroes Day.
Ayon sa Malacañang, ang Agosto 31 ay isang regular holiday.
“The number coding is automatically suspended during regular and special non-working holidays,” ayon sa MMDA sa advisory nitong Linggo.
Pinaalalahanan din ng MMDA ang mga motorista na planuhin nang maayos ang kanilang biyahe, sumunod sa mga batas trapiko at magmaneho nang ligtas.
Para sa mga nangangailangan ng tulong sa oras ng emergency, maaaring tumawag sa MMDA hotline 136. RNT/MDS