Home NATIONWIDE Obispo nagbabala vs fake FB account

Obispo nagbabala vs fake FB account

MANILA, Philippines – Hinimok ng Apostolic Vicariate of Taytay sa Northern Palawan ang publiko na iulat ang Facebook account na malisyosong gumagamit ng larawan ni Bishop Broderick Pabillo.

Kabilang sa post sa fake Facebook account ay nagpapakita na nakatanggap ito ng unang kita sa investment na nagkakahalaga ng P400,000 sa pamamagitan ng e-wallet.

Isa pang post ang nag-tag sa isang Rodriguez Amelia na may larawan ng construction site.

Pinayuhan ang publiko na ang Obispo ay mayroon lamang isang beripikadong Facebook page na may pangalang “Bishop Pabillo”.

Samantala, ang pribadong Facebook account na pangalang “Bishop Broderick Pabillo” ay hindi konektado sa apostolic vicar ng Taytay.

“Please be advised that these accounts are not affiliated with Bishop Pabillo or any of our official social media platforms,” sinabi ni Apostolic Vicariate ng Taytay.

Si Bishop Pabillo ay magsilbi bilang apostolic vicar ng Taytay simula 2021. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)