MANILA, Philippines – BINIGYANG-DIIN ng Department of Finance (DOF) na walang nakasaad sa temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema na ang P60 billion excess funds ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na inilipat sa national Treasury ay dapat na ibalik sa state insurer.
Ipinahayag ito ni Finance Secretary Ralph Recto kay Senate finance committee chairperson Grace Poe, sa unang araw ng plenary deliberations ng Senado sa panukalang national budget para sa 2025.
Ipinanawagan kasi ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na ang pondo ay ibalik sa PhilHealth.
“Unang-una po, nasabi na rin po ng ating Secretary of Finance na siya ay tatalima sa desisyon ng Hudikatura… Ang TRO po ng Hudikatura ay…itigil po ang pag-remit ng pera, pero hindi binabanggit na ito ay kailangan ibalik…sa PhilHealth,” ang sinabi ni Poe.
Buwan ng Oktubre ng taong kasalukuyan, naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema kontra sa paglipat ng P89.9 bilyong unused excess funds ng Philhealth sa national treasury.
ito ang inihayag SC spokesperson Atty. Camille Ting sa isang press conference matapos maghain ng petisyon sa Kataas-taasang Hukuman ang iba’t ibang grupo upang pigilan ang paglipat ng surplus funds ng PhilHealth.
“The Supreme Court issued a temporary restraining order to enjoin the further transfer of PhilHealth funds to the National Treasury,” ayon kay Ting..
Ngunit ang mga naunang inilipat na P20 bilyon noong Mayo at P10 bilyon noong Agosto ay hindi na maibabalik pa sa PhilHealth dahil hindi ito saklaw ng TRO.
“This TRO is a significant victory for the Filipino people, especially for PhilHealth beneficiaries who rely on these funds for their healthcare needs,” ayon kay dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, isa sa mga naghain ng petisyon.
“The transfer of these funds would have jeopardized the benefits of countless Filipinos relying on PhilHealth for essential health services. This decision prevents a grave injustice from occurring,” aniya.
“The attempt to siphon off funds from PhilHealth, and potentially from the Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), would not only violate constitutional principles but also put at risk the financial security of depositors and the health of our nation,” anito.
Dapat aniyang maibalik sa PhilHealth ang mga nailipat na pondo nito sa national treasury pero hindi pa nagagamit sa unprogrammed funds projects.
Nauna rito, iniulat naman ng PhilHealth na P60 billion na ang nailipat sa national Treasury kung saan ay mayroon na lamang P29.9 billion ang natitira sa ahensiya.
Sinabi ni Poe, halos P9 billion mula sa transferred funds ng from PhilHealth ang naipalabas na mula sa national treasury.
Tinukoy ang mga naunang pahayag nina Recto at Budget Secretary Amenah Pangandaman, sinabi ni Hontiveros na ang transferred funds mula PhilHealth ay gagamitin ng gobyerno para sa counterpart funding ng national government para sa flood-control projects at railway projects na isinasagawa na ngayon kasama ang Japan International Cooperation Agency, Asian Development Bank, at World Bank.
Ang pondo ay partikular na gagamitin para sa ‘right of way acquisition and resettlement’ na kailangan para magpatuloy ang big-ticket infrastructure projects.
Ito ang nag-udyok naman kay Hontiveros para manawagan sa gobyerno na ihinto ang pag-lodge ng flagship projects sa ilalim ng unprogrammed appropriations.
“Kailangang itigil na rin ang paglagay sa alanganing unprogrammed funds ng mga pondo para sa mga flagship projects ng gabinete at ng presidente,” ayon kay Hontiveros. Kris Jose