Home METRO Obrero patay, 7 sugatan sa tama ng kidlat sa Eastern Samar

Obrero patay, 7 sugatan sa tama ng kidlat sa Eastern Samar

MANILA, Philippines – Patay ang isang manggagawa ng mining company habang sugatan ang pito iba pa matapos tamaan ng kidlat sa Homonhon Island, Guiuan, Eastern Samar nitong Lunes, Hunyo 10.

Nagtamo ng matinding sunog sa katawan ang 37-anyos na biktimang si Aljun Cabe. Dead on arrival sa ospital ang biktima.

Samantala, sugatan naman ang mga kasamahan niyang sina Floreza Chato, 42; Karen Badota, 22; Jose Santia, 42; Angelo Golipardo, 30; Marvin Hombrea, 31; Darlene Hedulan, 23; at Tommy Eclipse, 28, na nagtamo ng sunog sa paa at ulo.

Ayon kay Corporal Marito Badocdoc, Guiuan police investigator, nagpapahinga sa bahay kubo malapit sa kanilang pinapasukan, ang mga biktima sa Barangay Cagusuan bandang alas-11 ng umaga nang tamaan ang mga ito ng kidlat kasabay ng malakas na pag-ulan.

Nangako naman ang Verum Terra Geosciences Inc., mining company kung saan nagtatrabaho ang mga biktima, na sasagutin nito ang medical expenses ng mga empleyado. RNT