Home METRO Obrero tiklo sa patalim at droga

Obrero tiklo sa patalim at droga

MANILA, Philippines – SWAK sa loob ng kulungan ang isang construction worker matapos itong mabisto na may dalang shabu makaraan arestuhin ng pulisya dahil sa pagdadala ng patalim sa Valenzuela City.

Nakapiit sa detention cell ng Valenzuela City Police ang suspek na kinilalang si Eller Rabino Jr., 32, residente ng Dulong Tangke, Barangay Malinta.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, nagsasagawa ang mga tauhan ng Valenzuela City Police Sub-Station 6 sa ilalim ng pangangasiwa P/Capt. Emanuel Cristobal ng police visibility patrol sa pangunguna ni PSMs Roberto Santillan at PCpl Fernando Laciste sa Alley of Hulo St., Esteban South Brgy. Dalandanan nang mapansin nila ang suspek na may bitbit na patalim dakong alas-5:15 ng hapon.

Sa ulat ng pulisya, kinumpiska ng mga pulis ang dalang patalim ng suspek at nang tanungin siya hinggil sa legalidad ng pagdadala niya ng nasabing patalim ay walang itong maipakita na naging dahilan upang arestuhin ng mga pulis si Rabino.

Bukod sa patalim, nakuhanan rin ang suspek ng isang coin purse na may lamang tatlong transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,400.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa BP 6 (Illegal Possession of Bladed, Pointed or Blunt Object) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Article II of RA 9165 ang isasampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. R.A Marquez