Home NATIONWIDE 12 nasaktan sa M-7.4 na lindol sa Surigao – NDRRMC

12 nasaktan sa M-7.4 na lindol sa Surigao – NDRRMC

MANILA, Philippines – Umakyat sa 12 ang bilang ng mga nasaktan kasunod ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Hinatuan, Surigal del Sur, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes, Disyembre 5.

Sa pinakahuling situation report nito, isa umano ang naitalang nasawi dahil sa lindol.

Idiniin naman ng NDRRMC na biniberipika pa rin nila ang mga naiulat na nasawi at nasaktan.

Samantala, sa kaparehong situation report ay nakita na nasa 455 pamilya o 1,874 indibidwal ang apektado ng lindol.

Aabot naman sa 173 tirahan at 62 imprastruktura ang nasira, karamihan ay mga government facility at paaralan.

Sa kasalukuyan ay nasa 2,500 aftershocks na ang naitala sa magnitude 7.4 na lindol sa Surigao del Sur na tumama noong Sabado ng gabi, Disyembre 2. RNT/JGC