Home METRO Obrerong ‘bumembang’ sa Masbate, nadakma sa Bulacan

Obrerong ‘bumembang’ sa Masbate, nadakma sa Bulacan

0
Obrerong ‘bumembang’ sa Masbate, nadakma sa Bulacan

Marilao, Bulacan- Arestado ng mga awtoridad ang umano’y kilabot na lalaking magnanakaw na may kasong panggagahasa sa probinsya.

Kinilala ang suspek sa alyas ‘Boy’, construction worker at residente ng Brgy. Malhacan, Meycauayan City.

Sa report, matagumpay na naisilbi ng mga tauhan ng Meycauayan police station ang Warrant of Arrest (WOA) laban sa target bandang alas-10:30 ng umaga nitong Abril 26 sa Brgy. Sta. Rosa II, Marilao.

Ayon sa report, ang WOA sa kasong panggagahasa na may paglabag sa RA 7610 sa ilalim ng criminal case number 1966-2019 ay inilabas ng Regional Trial Court, Branch 50, San Jacinto, Masbate na walang inirekomendang piyansa.

Nabatid din na nahaharap ang obrero sa kasong pagnanakaw na may piyansang P72,000 na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 195, Parañaque City.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng istasyon ang suspek para wastong disposisyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here