Home TOP STORIES Oducado, sumuporta sa clean-up drive at feeding program sa BF Paranaque

Oducado, sumuporta sa clean-up drive at feeding program sa BF Paranaque

182
0
Mr. Tulong: Makikita sa larawan si 1Tahanan Party-list Rep. Nathaniel Oducado matapos ang Clean Up Drive sa BF Parañaque ngayong araw.

MANILA, Philippines – Nakilahok at sumuporta si 1Tahanan Party-list Rep. Nathaniel Oducado, kilala bilang “Mr. Tulong,” sa isinagawang Clean Up Drive at Feeding Program sa Barangay BF, Parañaque, na nagbigay-diin hindi lamang sa kalinisan kundi pati sa kapakanan ng kabataan.

Pinangunahan ng mga opisyal ng barangay at mga boluntaryo ang sama-samang paglilinis at pamamahagi ng pagkain sa mga bata. Pinuri ni Oducado ang pamumuno ni Kap. Jeremy Marquez at ang suporta ni 2nd District Rep. Brian Yamsuan sa maayos na pagpapatakbo ng kanilang nasasakupan.

“Hindi sapat na malinis ang paligid — dapat pati sikmura ng kabataan, may laman. Dito sa Barangay BF, ramdam mo na ang malasakit, hindi lang sinasabi — ginagawa. Kaya saludo ako kina Kap Jeremy at Cong. Yamsuan — solid ang serbisyo, walang iwanan!” ani Oducado.

Nagpasalamat din siya sa buong barangay council sa kanilang kooperasyon sa pagpapatupad ng programa, at binigyang-diin na ang ganitong inisyatiba ay patunay ng lakas ng pagkakaisa ng komunidad tungo sa mas malinis at mas malusog na kapaligiran.

“Tuloy-tuloy lang ang pagtutulungan—dahil ang tunay na pagbabago, nagsisimula sa simpleng pag-aambag ng bawat isa,” dagdag niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here