Home NATIONWIDE Offshore accounts ni Garcia itinanggi ng 2 banko sa Cayman Islands

Offshore accounts ni Garcia itinanggi ng 2 banko sa Cayman Islands

MANILA, Philippines – Dalawang bangko pa mula sa Cayman Islands ang naglabas ng mga sertipikasyon na hindi “existing” ang sinasabing offshore accounts, sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia.

Sinabi ni Garcia na nakipag-ugnayan siya sa Scotiabank at Cayman National Bank online upang tanungin kung mayroong mga bank account sa kanilang sistema sa ilalim ng kanyang pangalan.

Ayon kay Garcia, sinagot siya na wala siyang account at walang pangalang ganoon sa kanilang system sa kanilang bangko.

“At least, napatunayan natin na wala akong account sa dalawang bangko sa Cayman Islands,” sabi ni Garcia.

Ayon pa kay Garcia, ipiprisinta niya ang bank certifications sa media sa Huwebes, Agosto 8.

Noong nakaraang linggo, iniunay ni Sagip party-list Representative Rodante Marcoleta si Garcia sa panibagong dalawang offshore bank account sa Cayman Islands na umano’y nakatanggap ng mga deposito mula sa mga bangko sa South Korea.

Ngunit kinuwestyon ni Garcia ang transaksyon, sinabing ilang indibidwal ang matagumpay na nagdeposito ng pera sa umano’y mga bank account sa ilalim ng pangalan ni Marcoleta.

Nauna nang inamin ni Garcia na siya ang tinutukoy na opisyal ng poll body ngunit itinanggi niyang may anumang foreign bank accounts o ari-arian sa ibang bansa.

Hiniling din niya sa NBI at AMLC na pormal na imbestigahan ang mga akusasyon at naglabas ng secrecy waiver laban sa mga sangkot na bank account.

Nauna nang sinabi ng poll chief na hinahanap niya ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga indibidwal na nasa likod ng umano’y demolition job. Jocelyn Tabangcura-Domenden