Home NATIONWIDE Lawak ng oil sheen sa Manila Bay na tumagas sa MT Terra...

Lawak ng oil sheen sa Manila Bay na tumagas sa MT Terra Nova, nabawasan na

MANILA, Philippines – Lumiit na ang lawak ng oil sheen o bakas ng langis na tumagas mula sa lumubog na motor tanker na MT Terranova sa karagatan ng Limay, Bataan, base na rin sa drone aerial monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa kabila nito, nagpapatuloy pa rin ang operasyon para sa paghahanda sa siphoning ng langis sa loob ng barko.

Sinabi ni CG Lt Cmdr Michael John Encina, na nagawa na rin ang metal caps at aalamin nila kung sinimulan na ang paglalagay nito sa mga valve ng MT Terra Nova.

Dagdag pa ni Encina na magsasagawa rin ng simulation para makita kung paano gagawin ang pagkuha sa imbak na langis mula sa barko.

Kahapon, nagkaroon ng pagpupulong sa Bataan kaugnay sa operasyon kasama sina DND Sec Gibo Teodoro, DOTR Sec Jaime Bautista at DENR Sec Maria Antonia Yulo-Loyzaga. Jocelyn Tabangcura-Domenden