Home METRO OFW nakunan habang nasa flight papuntang SoKor

OFW nakunan habang nasa flight papuntang SoKor

262
0

MANILA, Philippines – Isang overseas Filipino worker (OFW) ang nakunan habang nasa biyahe sa Jeju Air papuntang Incheon, South Korea.

Kumpirmado ng Department of Migrant Workers (DMW) ang insidente at nagbigay na ng buong tulong.

Kasama ng OFW ang kanyang asawa, biyenan, at anak sa biyahe mula Clark patungong Saipan, na may layover sa Incheon.

Agad siyang dinala sa INHA University Hospital paglapag, ngunit idineklarang dead on arrival ang sanggol.

Sagot ng DMW ang kanyang gastusing medikal, nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad para sa autopsy, at inaayos ang agarang repatriation ng mga labi ng sanggol. Nasa maayos nang kalagayan ang OFW. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here