MANILA, Philippines – Inaprubahan ng France ang €250 milyon (humigit-kumulang P15.89 bilyon) na pautang para suportahan ang mga hakbang ng Pilipinas laban sa pagbabago ng klima sa ilalim ng Climate Change Action Program – Phase 2 (CCAP2).
Pinangunahan ng Department of Finance at ng French agency na AFD ang pirmahan ng kasunduan.
Katuwang ang ADB at JICA, layunin ng programa na isulong ang reporma, palakasin ang katatagan sa klima, at itaguyod ang makatarungang transisyon lalo na para sa mga mahihinang sektor.
Umabot sa €917 milyon ang kabuuang pondo para sa CCAP2. Binigyang-diin ng France ang pangangailangan ng agarang aksyon sa klima sa Pilipinas, na kabilang sa mga bansang pinakaapektado, at posibleng mawalan ng hanggang 13.6% ng GDP pagdating ng 2040 kung walang hakbang na gagawin. RNT