MANILA, Philippines – Umabot sa $3.179 bilyon ang remittances mula sa overseas Filipinos noong Hulyo, pinakamataas sa loob ng pitong buwan, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Mas mataas ito ng 3% kaysa $3.085 bilyon noong nakaraang taon at mas mataas din sa $2.987 bilyon noong Hunyo.
Nagpadala ng $2.59 bilyon ang mga land-based workers (3% increase), habang $585 milyon naman mula sa sea-based workers (3.1% increase). Umabot na sa $19.93 bilyon ang year-to-date remittances, 3.1% na mas mataas kaysa sa parehong panahon ng 2024.
Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa pinagmumulan ng remittances (40.3%), kasunod ang Singapore (7.1%), Saudi Arabia (6.2%), Japan (5%), United Kingdom (4.8%), at United Arab Emirates (4.4%).
Umabot naman sa $3.533 bilyon ang personal remittances, kabilang ang cash at in-kind transfers, na nagdala sa kabuuang $22.21 bilyon ngayong taon—3.1% na mas mataas kumpara noong 2024. RNT