Home HOME BANNER STORY Panlabas na utang ng Pilipinas umabot na na $149B

Panlabas na utang ng Pilipinas umabot na na $149B

328
0

MANILA, Philippines – Umakyat sa rekord na $148.87 bilyon ang panlabas na utang ng Pilipinas hanggang Hunyo, 14.4% na mas mataas kaysa $130.32 bilyon noong nakaraang taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

“The increase in external debt was driven primarily by borrowings, which included bond issuances by the National Government amounting to $5.83 billion and external financing tapped by local banks amounting to $3.44 billion,” ayon sa BSP.

Tumaas din ng 1.5% mula sa $146.74 bilyon ang utang kumpara sa nakaraang quarter, bunsod ng paghina ng US dollar na nagpalaki sa halaga ng mga utang na nasa ibang currency ng $1.49 bilyon.

Umabot sa $94.8 bilyon ang utang ng pampublikong sektor, karamihan mula sa pambansang pamahalaan, habang bumaba sa $54.1 bilyon ang obligasyon ng pribadong sektor. Nangungunang nagpapautang pa rin ang Japan na may $15.6 bilyon, kasunod ang UK at Singapore.

Sa kabila ng rekord, iginiit ng BSP na “sustainable” pa rin ang utang na katumbas ng 31.2% ng GDP. May $106 bilyong reserbang internasyonal ang bansa na kayang tustusan ang short-term obligations ng 3.7 beses.

Bumaba rin ang debt service ratio sa 8.7% mula 9.8% noong nakaraang taon dahil sa mas mababang bayad ng principal at interes ng mga resident borrowers, dagdag ng central bank. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here