MANILA, Philippines – Pinaluwag na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang restrictions nito sa Israel kasunod ng pagpapabuti ng sitwasyon ng seguridad sa pagitan ng Israel at Iran.
Ang pagpapabuti sa seguridad kasunod ng tigil putukan ang nagtulak sa Department of Foreign Affairs (DFA) na ibaba ang alerto sa Level 2 (restriction phase) na nangangahulugang maaari nang bumalik ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na may valid na kontrata sa Israel.
Sa kabila ng pagpapagaan sa paghihigpit, binigyang-diin ni Cacdac na ang deployment ng newly-hired workers ay hindi pa inirerekomenda.
Tiniyak ni Cacdac na ang DMW ay susunod sa lahat ng deployment rules sa koordinasyon ng DFA partikular na sa newly-hired workers na ang deployment ay magpapatuloy lamang sa karagdagang pagtataas ng seguridad.
Samantala, sinabi ni Cacdac na patuloy na nakakatanggap ang mga OFWs sa Israel ng onsite assistance kabilang ang repatriation kung nais nilang umuwi ng Pilipinas.
Sa ngayon nasa 294 Filipinos na ang nabigyan ng foodpacks at hygiene kits habang mayroong 188 OFWS ang nabigyan ng agarang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng $200. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)