Home HOME BANNER STORY Oil price hike gugulong sa Martes

Oil price hike gugulong sa Martes

MANILA, Philippines- Tinuldukan na ng mga kompanya ng langis sa bansa ang magkakasunod na linggong bawas-presyo sa mga produktong petrolyo dahil ipatutupad na muli nila ang panibagong oil price hike na magiging epektibo bukas.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P1.10 sa kada litro ng gasolina habang P0.40 naman sa kada litro ng diesel at kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May dagdag-presyo din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang CleanFuel na magiging epektibo bukas ng alas-4:01 ng hapon.

Ang ipatutupad na oil price hike ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaang tatlong magkakasunod na linggo na nagpatupad ng oil price rollback ang mga kompanya ng langis sa bansa ngayong buwan ng Marso. JR Reyes