Home NATIONWIDE Interpol makakatuwang ng NBI sa pagtugis sa ‘fake news peddlers’ sa ibang...

Interpol makakatuwang ng NBI sa pagtugis sa ‘fake news peddlers’ sa ibang bansa

MANILA, Philippines- Hahabulin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga Filipino citizen na nagpapakalat ng fake news sa ibang bansa.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na makakatuwang ng ahensya ang International Criminal Police Organization o Interpol.

Aminado naman si Santiago na isa sa mga hamon nila ay kung paano mahahabol ang mga Pilipinong nagpapakalat ng maling impormasyon abroad dahil sa Amerika aniya ay itinuturing lamang na civil case at hindi krimen ang libel.

Sinabi pa ni Santiago kapag ang vlogger ay US Citizen, hamon din kung paano maipapatupad ang batas sa kanila dahil hindi ito ang umiiral na batas sa kanilang bansa.

Ayon kay Santiago, maaari aniyang pumasok sa inciting to sedition dahil parehong krimen ito sa US at sa Pilipinas.

Diin ng opisyal, nirerespeto nila ang freedom of speech at expression ng sinuman ngunit dapat ay binabalanse nila ito.

Sinabi rin ni Santiago na iniimbestigahan na rin ng NBI ang hindi bababa sa 20 fake news peddlers na iisa lamang ang tema ng content gayundin ang mga umano’y nagpopondo rito. Jocelyn Tabangcura-Domenden