Home HOME BANNER STORY Oil price hike na naman!

Oil price hike na naman!

51
0

MANILA, Philippines — Muling sisirit ang presyo ng gasolina  simula ngayong Martes, Mayo 26, kasunod ng panibagong umento sa presyo ng produktong petrolyo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Sa isang advisory noong Lunes, sinabi ng DOE na tataas ng hanggang P1.96 kada litro ang diesel, habang may pagtaas din na P1.60 sa gasolina at P1.45 sa kerosene.

Ayon sa DOE, ang mga paggalaw sa presyo ay nakabatay sa patuloy na pagmo-monitor ng ahensya sa suplay ng langis sa bansa, kasunod ng idineklarang state of national energy emergency na nagbibigay sa DOE ng kapangyarihang magtakda ng limitasyon sa taas-baba ng presyo ng petrolyo.

Batay sa datos noong Mayo 22, may sapat na suplay ng langis ang bansa para sa 44.82 araw. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here