Home METRO 10-anyos tinarakan, hinalay ng 14-anyos sa Pampanga

10-anyos tinarakan, hinalay ng 14-anyos sa Pampanga

58
0

PAMPANGA Sugatan at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang isang 10-anyos na batang babae matapos umano siyang saksakin at halayin ng isang 14-anyos na lalaki sa Arayat, Pampanga.

Sapul sa CCTV footage na nagbibisikleta ang biktima sa Barangay Pararaya habang sinusundan ng binatilyong suspek na sakay rin ng bisikleta.

Makalipas ang ilang sandali, pumasok umano ang suspek sa isang abandonadong bahay at sumunod dito ang batang babae.

Ilang minuto lamang ang lumipas ay nagpuntahan na ang mga residente sa lugar matapos ang insidente.

Lumalabas sa footage ang biktima na duguan bago ito isinugod sa ospital para malapatan ng lunas.

Ayon sa mga kaanak ng bata, nagtamo siya ng palo ng bote sa ulo at mga saksak sa katawan.

Nanawagan naman ng hustisya ang pamilya ng biktima sa sinapit nito.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng barangay ang 14-anyos na suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here