TEHRAN, Iran – Sinamsam ng Iran ang oil tanker na Ocean Koi sa Gulf of Oman dahil umano sa tangkang paggambala sa oil exports ng bansa, ayon sa Iranian state media.
Ayon sa ulat, ang Barbados-flagged tanker ay may kargang Iranian oil at “was trying to harm and disrupt oil exports …. by exploiting regional conditions”.
Ang tanker, na nasa ilalim na ng sanctions ng United States mula pa noong Pebrero, ay dinala sa timog baybayin ng Iran at ipinasa sa judicial authorities.
Nangyari ang pagsamsam matapos ang sagupaan ng puwersa ng U.S. at Iran sa Strait of Hormuz, na nag-uugnay sa Persian Gulf at Gulf of Oman.
Malaki ang epekto ng tensyon sa lugar dahil dumadaan sa Strait of Hormuz ang halos ikalimang bahagi ng oil supply sa buong mundo bago sumiklab ang digmaan ng U.S. at Israel laban sa Iran noong Pebrero 28, 2026. RNT/MND