Home METRO Pyroclastic flow sa Mayon, normal lang — Phivolcs

Pyroclastic flow sa Mayon, normal lang — Phivolcs

94
0
Photo Courtesy: Father Paulo Barandon

ALBAY, Philippines – Nakapagtala ng lava flow collapse-fed pyroclastic density current (PDC) sa Mayon Volcano mula 2:28 p.m. hanggang 2:30 p.m. noong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Pero sinabi ni  Phivolcs Director Teresito Bacolcol na normal lamang ito para sa Bulkang Mayon.

“This is not really huge since the collapsed volume runout only reached 2,500 meters, and the ash plume generated was 1,500 meters high,” ani Bacolcol.

Ayon sa kanya, matagal nang nakapagtatala ang Phivolcs ng mga PDC sa Mayon mula pa noong Enero 6.

“In fact, last January 22, we recorded 106 PDCs in one day alone,” dagdag niya.

Noong May 2, nakapagtala rin ng collapse-generated PDCs mula sa naipong lava materials sa itaas na bahagi ng bulkan. Mas malaki umano ang pagbagsak noon at umabot sa limang kilometro ang runout, kaya nagdulot ng mas kapansing ash emission at ashfall.

Ipinaliwanag ng Phivolcs na maaaring magkaroon ng ash kapag bumagsak ang lava flow o lava dome. Maaari rin itong manggaling sa degassing at explosive eruptions.

Nananatili sa Alert Level 3 ang Mayon Volcano, kaya mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng anim na kilometrong permanent danger zone. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here