Home OPINION OMBUDSMAN SINALAG NI GADON SA BASHERS

OMBUDSMAN SINALAG NI GADON SA BASHERS

HAYAGANG ipinagtanggol ni Presidential Adviser on Poverty
Alleviation Secretary Larry Gadon si Ombudsman Samuel
Martires sa mga batikos sa kanya ng bashers dahil sa pagtanggal
sa pwesto kina Manila International Airport Authority acting
general manager Cesar Chiong at dating hepe ng Procurement
Service of the Department of Budget and Management na si
Lloyd Christopher Lao.

Ang salag naman ni Gadon, si Ombudsman Martires ay
bumabase sa mga merito,  pangyayari at mga ebidensiya ng
isang kasong inihahain sa kanila. Wala raw itong sinasalingang
panig sa bawat kasong napupunta sa Office of the Ombudsman.

Kaya nga sabi ni Gadon, ang desisyon ni Martires na tanggalin
na sa serbisyo ang mga gaya ni Chiong ay ‘di lamang binase sa
aspetong kriminal kundi sa kapabayaan ng opisyal na nagbunga
ng malaking kasiraan sa pamahalaan.

Paano nga naman sasabihing ‘di tumitingin si Martires kung sino
ang sinasakdal sa kanilang hukuman, kundi sa isyu at ang
nagagawang kamalian ng mga opisyal na nasasakdal na may
matitibay na ebidensiya.

Kaugnay nito’y pinulaan naman ng isang commuters’ group
nitong Linggo ang pagsawsaw ng Makati Business Club sa mga
desisyong inilabas ng Office of the Ombudsman.

‘Mind your own business’ ang ipinarating na mensahe ng Lawyers
for Commuters Safety and Protection sa MBC matapos maglabas
ang huli ng pahayag na pinarerekonsidera kay Martires ang
desisyon nitong pinatatanggal na sa serbisyo sina Chiong at
acting assistant general manager Irene Montalbo.

Sabi ni Atty. Ariel Inton, namumuno sa LCSP, wala nga raw personalidad ang MBC hatol ni Martires kay Chiong. Tanging sina Chiong at Montalbo lamang, ayon kay Inton ang maaaring umapela kay Martires sa pamamagitan ng paghahain ng Motion for Reconsideration.

Matatandaang ang Office of the Ombudsman ay naglabas ng
desisyong aprubado ni Martires na sina Chiong at Montalbo ay
napatunayang ‘guilty of grave misconduct and abuse of authority’
sa ginawang reassignments ng mga ito sa mahigit 300
empleyado ng MIAA.

Hay, buhay nga naman dito sa atin. Kampi-kampihan ang
malalakas para ‘di masagasaan.