Home OPINION HURRAY SA ‘KANKALOO’ COPS

HURRAY SA ‘KANKALOO’ COPS

BIDA  ang pulisya ng Caloocan sa  ika-122 Police Service
Anniversary  ng National Capital Region Police Office na ginanap kamakailan sa command's regional headquarters sa
Camp Bagong Diwa, Taguig.

Nakuha kasi ng Caloocan City  Police Station ang tatlo sa apat na
kung tawagin ay “coveted city level awards”  na ang mismong  nag- abot ng naturang pagkilala ay si Philippine National Police chief P/Gen. Benjamin Acorda, Jr.

Ang CCPS ay  nangibabaw  sa taunang  police accomplishment
kung saan dinaig ang 13 pang Metro LGUs matapos maitala ang
– Most Number of Arrested Persons;
– Most Number of Confiscated Firearms, at;
–  3) Best on Anti-Illegal Gambling Operations.
Hindi  lang sa pagkakataong ito  naibigay ang nasabing mga
award dahil sa mga nagdaang taon ay tumanggap din ang pulisya
ng Kankaloo ng kaparehong  mga parangal at  pagkilala.
At siyempre,  kung may unang  dapat  purihin ay walang iba kundi si Chief of Police P/Col Ruben Lacuesta  na ang kakaibang brand of management ay hinangaan ni Caloocan Mayor Dale Gonzalo “Along”  Malapitan.

Miyembro ng Philippine National Police Acadeny Class 2000, si
Lacuesta ay humawak na ng iba’t ibang posisyon sa PNP na kanyang napagtagumpayan “with flying colors”  bago ito maitalagang hepe ng CCPS noong Enero ng taong kasalukuyan.

Pinasalamatan ni Lacuesta ang  pamahalaang lungsod ng
Caloocan, partikular si Malapitan na tinawag niyang “valuable
partner”  dahil hindi nagsasawang tumutulong kaya
matagumpay ang CCPS sa pagsasagawa ng kanilang
tungkulin.

Kaugnay nang tinanggap na tatlong awards ay binati naman ni
Malapitan si Lacuesta  at ang buong pulisya ng lungsod  kasabay
ang pangakong  tuloy-tuloy na tulong ng kanyang administrasyon
sa city police force.

Minsan ko  nang  narinig kay Interior Secretary Benhur Abalos na
mahalaga na magkaroon ng mutual understanding ang PNP at
local government units para sa pagpapanatili ng kaayusan  sa
lipunan na nakikita natin sa pagitan ng CCPS at Caloocan LGU.

Dahil sa  tulong, ayuda ni Malapitan at Caloocan City government
ay maayos na naisasakatuparan ng CCPS ang programa’t
proyekto na may kinalaman sa peace and order na naging daan
din para makopo ang awards sa katatapos na PSA event.

Hurray & congrats sa Kankaloo cops!