Home NATIONWIDE Online scam na nag-aalok ng gamot sa hypertension, ibinabala ng DOH

Online scam na nag-aalok ng gamot sa hypertension, ibinabala ng DOH

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) laban sa mga online scam na nagbebenta ng pekeng lunas sa high blood pressure habang nagpapanggap na opisyal na account ng ahensya.

Sa isang abiso nitong Sabado, Hunyo 21, iginiit ng DOH na walang ebidensya na epektibo ang produktong inaalok at hindi kailanman nag-eendorso ang kagawaran ng anumang komersyal na gamot o produkto.

“Bukod sa ang produktong ito ay walang patunay na lunas sa nasabing karamdaman, hindi rin mag-eendorso ng komersyal na produkto ang DOH,” pahayag ng ahensya.

Iniulat na rin ng DOH ang pekeng account sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at nagsasagawa na ng hakbang para matunton ang nasa likod nito.

Nanawagan din ang DOH sa publiko na mag-ingat sa mga mapanlinlang na online marketing, kumuha lamang ng impormasyon mula sa mga opisyal na sources, at agad i-report ang mga kahina-hinalang social media page. RNT/JGC