Home NATIONWIDE Operasyon ng Berlin airport sinuspinde sa namataang drone

Operasyon ng Berlin airport sinuspinde sa namataang drone

151
0

GERMANY – Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng Berlin airport dahil sa namataang drone.

Ito ang pinakabagong insidente sa serye ng mga namataang drone sa Germany at sa iba pang bansa sa Europe.

Ayonk sa tagapagsalita ng paliparan, ang operasyon ay sinuspinde “as a safety precaution” sa loob ng kalahating oras matapos na “an unidentified flying object was seen” malapit sa helicopter hangar na ginagamit ng German army.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente at sinabing hindi na muli pang nakita ang naturang bagay.

Nauna nang inakusahan ni German Chancellor Friedrich ang Russia na nasa likod ng mga drone sightings sa sensitibong lokasyon sa Germany kabilang ang mga paliparan, military base at power plant. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here