Home HOME BANNER STORY Operasyon ng MRT3 suspendido sa Semana Santa

Operasyon ng MRT3 suspendido sa Semana Santa

MANILA, Philippines – Nag-anunsyo ng suspensyon ng operasyon ang Metro Rail Transit 3 (MRT3) mula Marso 28 hanggang 31 para sa taunang maintenance activities sa Semana Santa.

Sa abiso, sinabi ng Department of Transportation-MRT3 na walang operasyon ng trem sa Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay.

Ang huling araw ng operasyon sa Semana Santa ay sa Marso 27, Miyerkules Santo. Regular operating hours ang ipatutupad sa araw na ito kung saan ang huling biyahe ng tren mula North Avenue ay 9:30 p.m. at 10:09 p.m. mula Taft Avenue station.

Magbabalik ang normal na operasyon sa Lunes, Abril 1, sa first train trips na 4:30 a.m. mula North Avenue at 5:05 a.m. mula Taft Avenue Station. RNT/JGC

Previous articleTulak tiklo sa P100K shabu sa Valenzuela
Next articleBawas-presyo sa petrolyo sa sususod na linggo ‘di pa tiyak