Home METRO Tulak tiklo sa P100K shabu sa Valenzuela

Tulak tiklo sa P100K shabu sa Valenzuela

SWAK sa selda ang isang drug suspect matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng droga sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Sa report ni PSSg Carlos Erasquin Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta umano ng shabu ni alyas ‘Alvin’ sa kanilang lugar sa Brgy. Mapulang Lupa.

Ikinasa ng SDEU sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez at PEMS Restie Mables ang buy bust operation kontra sa suspek kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa kanya ng P9,500 halaga ng shabu.

Nang tanggapin ng suspek ang isang P500 marked money na may kasamang siyam na pirasong P1,000 boodle money kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-2:35 ng madaling araw sa S. Bautista St., Brgy. Mapulang Lupa.

Nakuha sa suspek ang nasa 15 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P102,000, buy bust money, P100 recovered money at coin purse. Rene Manahan

Previous articleLPG delivery rider tiklo sa Taguig drug ops
Next articleOperasyon ng MRT3 suspendido sa Semana Santa