Home NATIONWIDE “Oplan Kontra Baha” ininspeksyon ng DPWH

“Oplan Kontra Baha” ininspeksyon ng DPWH

48
0

MANILA, Philippines – Inispeksyon ni DPWH Secretary Vince Dizon ang nagpapatuloy na dredging operations sa ilalim ng programang “Oplan Kontra Baha” ng gobyerno sa pinagsasabungan ng Ilog Pinacanauan at Ilog Cagayan sa Tuguegarao City, bilang bahagi ng mga pagsisikap na bawasan ang pagbaha sa mga komunidad na madaling bahain bago pa man dumating ang tag-ulan.

Ang inspeksyon ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang dredging at paglilinis ng mga daluyan ng tubig sa buong bansa para mapabuti ang daloy ng tubig-baha at mabawasan ang epekto ng malalakas na ulan sa mga lugar na madalas bahain.

Kasama sina Gobernador ng Cagayan na si Edgar “Egay” Aglipay at Mayor ng Tuguegarao City na si Maila Rosario Ting-Que, binisita ni Dizon ang dredging site sa Barangay Centro 9, kung saan nagsisikap ang mga crew na palalimin ang ilog at alisin ang mga naipong lupa at buhangin na humahadlang sa natural na daloy ng tubig.

Paliwanag ni Dizon, ang sediment build-up ay nagpahinto sa  mabilis na pagdaloy palabas ng lungsod ng tubig-baha, na nagdudulot ng matagalang paglubog na nakaaapekto sa mga residente at estudyante, lalo na sa pagbubukas ng klase.

Tiniyak din ni Dizon sa mga lokal na opisyal na ipagpapatuloy ng pambansang pamahalaan ang proyekto sa buong taon. 

Inilarawan naman ng alkalde ng lalawigan ang proyekto at inilarawan bilang makasaysayang proyekto para sa Tuguegarao City.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here