MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na patuloy na nakatutok ang ahensya sa pagpapaigting ng Oplan Kontra Baha.
Ito ay matapos ang walang humpay na pagbuhos ng ulan na tumagal na sa mahigit iang Linggo na nakaapekto sa ilang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng mga bagyo na pinalakas ng Habagat.
Kaugnay niyan ay nakatakda ng magdeploy ng karagdagang mga tauhan at mga equipments upang magsagawa ng dredging, clearing, at declogging ng mga major waterways sa buong bansa.
Partikular umanong tututukan ang mga flood prone areas sa Metro Manila; Ilocos Region; Cagayan Valley; Tarlac; Naga; at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao, kabilang ang Cebu; Iloilo; Bacolod; Cagayan de Oro; Davao; at Maguindanao.
Siniguro din ni Public Works Secretary Vince Dizon na walang tigil ang mga flood mitigation initiatives ng pamahalaan upang mapabilis ang paghupa ng baha sa mga flood-prone at low-lying areas. Jocelyn Tabangcura-Domenden