Home NATIONWIDE Orange rainfall warning itinaas sa Zambales, yellow warning sa Bataan, 5 iba...

Orange rainfall warning itinaas sa Zambales, yellow warning sa Bataan, 5 iba pa

188
0

MANILA, Philippines – Itinaas ng PAGASA ang orange rainfall warning alas-8 ng umaga sa Zambales noong Martes ng umaga, at yellow rainfall warning sa Bataan at limang iba pang lugar.

Sa orange rainfall warning, pinayuhan ang mga residente na nagbabanta ang pagbaha sa Zambales.

Ang yellow rainfall warning naman ay itinaas alas-8 ng umaga sa Bataan, Tarlac, Pampanga, Metro Manila, Bulacan at Cavite.

Ang mga lugar na ito ay maaaring magkaroon ng pagbaha sa mga lugar na madaling bahain.

Mahina hanggang sa katamtaman na may paminsan-minsang malakas na pag-ulan ang nararanasan sa Nueva Ecija, Rizal, Laguna, Batangas at Quezon na maaaring tumagal sa loob ng 3 oras.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko at disaster risk reduction and management offices na bantayan ang lagay ng panahon at hintayin ang susunod na babala na ilalabas sa alas-11 ng umaga. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here