Inatasan ni House Committee on Basic Education Chairman at Pasig Rep. Roman Romulo ang Department of Education (DepEd) na rebyuhin ang time allotment ng bawat subject sa ilalim ng Matatag curriculum matapos na rin lumabas na mas tumaas ang teaching workload.
Sa ilalim ng DepEd Order (DO) No. 10, ang Filipino, English, Mathematics, Science at Araling Panlipunan ay may 45 minutes bawat isa sa loob ng 5 araw para sa Grade 4 hanggang 6 habang ang Grades 1 to 3 ay may 40 hangang 45 minuto.
“Hihingin natin sa DepEd na pag-aralan muli iyong requirement nila na bawat subject ay araw-araw dapat ituro… Kahit tayo noong dumaan tayo ng elementary hanggang high school, hindi naman kailangang araw-araw ituro ang bawat subject” paliwanag ni Romulo.
Giit ni Romulo ginawang recalibrated time allotment ay mas magiging mahirap ito lalo sa mga guro.
Pinunto ng mambabatas na bago iimplenta ang Matatag curriculum ay hindi naman araw araw tinuturo ang mga naturang subjects.
Hiniling din ni Romulo na tignan ng Deped ang workload ng mga guro lalo.na ang may morning at afternoon classes.
“Pangalawa, kung teacher po na may particular subject – sa umaga nandodoon siya, hapon nandodoon ulit siya, dapat ma-take into account naman na hindi naman dapat sumobra ng eight hours iyong pag-i-stay din niya sa isang paaralan because baka lumabag din po iyon sa magna carta ” pagtatapos pa ni Romulo. Gail Mendoza