Home NATIONWIDE ‘Overhaul’ ng grupo ng nagpapatupad ng PUV modernization palitan – transport groups

‘Overhaul’ ng grupo ng nagpapatupad ng PUV modernization palitan – transport groups

MANILA, Philippines- Hirit ng pangunahing grupo ng transportasyon ang kumpletong pagsasaayos sa komposisyon ng pangkat ng gobyerno sa Department of Transportation (DOTr) na nangangasiwa sa pagpapatupad ng Public Transport Modernization Program (PTMP) sa gitna ng mga isyu at alalahanin na nagbunsod pa ng tatlong araw na transport strike kamakailan.

Sa liham na may petsang Marso 26 para kay DOTr Seceratry VInce Dizon, sinabi ng Pasang Masda, Altodap at ACTO na ang pagpapalit ng opisyal ng PTMP ang tanging daan upang mapabilis ang modernization program at matiyak na maisasakatuparan ang tunay na layunin ng modernization program.

Ang tatlong grupo ay kabilang sa pangunahing transport organizations na tumatanggi sa transport strike bilang solusyon sa mga isyu ng PTMP.

Bagama’t suportado nila ang modernization program ng gobyerno, sinabi ng grupo kay Dizon na kailangan na muling isaalang-alang ang ilang mga kadahilanan partikular na ang posibilidad ng modernization program sa ilang lugar.

Kabilang sa mga panukala ay ang pagpapatupad ng PTMP sa mga rutang financially viable, para mapilitan ang mga rutang may kakayahan sa modernisasyon na lumipat sa mga modernong jeepney sa loob ng 12 buwan pagkatapos ng deklarasyon na ang mga ito ay modernisadong ruta.

Nananawagan din ang mga grupo ng tulong pinansyal sa mga operator ng modernized na ruta para sa paglipat sa mga modernong jeepney. Jocelyn Tabangcura-Domenden