Home NATIONWIDE Overnight parking fee sa NAIA, tinapyas sa kalahati

Overnight parking fee sa NAIA, tinapyas sa kalahati

248
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na malaking ginhawa sa mga biyahero ang ipinataw na 50% na pagbawas sa overnight parking fee sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa isang post sa social media nitong weekend, inihayag ng airport operator na New NAIA Infra Corp. (NNIC) na ang mga na-verify na pasahero ay magbabayad lamang ng kalahati ng standard overnight parking rate, o PHP600 sa halip na PHP1,200, kapag na-verify ang kanilang trip ticket at boarding pass.

Nang tanungin kung ang MIAA, bilang regulator, ay nagpataw ng limitasyon sa mga bayarin na maaaring kolektahin ng NNIC, nilinaw ni MIAA General Manager Eric Ines na ang unang dalawang oras lamang ng mga rate ng paradahan ang kinokontrol.

“Hindi natin pwedeng panghimasukan ang mga rate na lampas sa dalawang oras (ng paradahan). Gusto man ng NNIC na magkaroon ito ng libre o kung humingi sila ng mataas na singil, hindi tayo maaaring makialam,” ani Ines.

Mula noong nakaraang taon, naniningil ang NNIC sa mga sasakyan ng PHP50 na parking fee sa unang dalawang oras.

Sinabi ni Ines na sa ilalim ng Administrative Order No. 1 na binago noong 2024, mayroong mga regulated at non-regulated fees/charges sa concession agreement. Kasama sa non-regulated fees ang renta at lease, habang ang mga regulated ay kinabibilangan ng take-off at landing fee, at aircraft parking fee.

Nilinaw din ni Ines na ang MIAA, kahit bilang regulator, ay hindi maaaring basta-basta baguhin ang rates ng regulated fees. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here