Home METRO OVP ‘libreng sakay’ ipagpapatuloy sa gitna ng pagtaas ng produktong petrolyo –...

OVP ‘libreng sakay’ ipagpapatuloy sa gitna ng pagtaas ng produktong petrolyo – VP Sara

158
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na magpapatuloy ang “Libreng Sakay” program ng Office of the Vice President kahit tumataas ang presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.

Sa panayam sa Davao City noong Sabado, Marso 14, sinabi ni Duterte na tuloy ang libreng sakay dahil isa na itong opisyal na proyekto ng OVP.

“Yes, opo. Tutuloy yun dahil project na talaga yun ng Office of the Vice President,” ani Duterte.

“Actually, nung nakita ko yung AVP kanina, nag-iisip ako pa ano pa kami makatulong sa mga tao, especially in their daily commute,” dagdag pa niya.

Inilunsad ng OVP ang Libreng Sakay program noong Hulyo ng nakaraang taon. Sa kasalukuyan, may siyam na bus na nakatalaga sa iba’t ibang lugar kabilang ang Metro Manila, Cavite, Bacolod, Cebu City, Davao City, at Tacloban.

Ayon sa OVP, magpapatuloy ang programa hanggang sa matapos ang termino ni Duterte. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here