Home HOME BANNER STORY Taas-pasahe sa provincial buses, aprubado ng LTFRB

Taas-pasahe sa provincial buses, aprubado ng LTFRB

199
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng updated Fare Guide ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga provincial public utility bus matapos aprubahan ang pansamantalang pagtaas ng pasahe na nagsimulang ipatupad noong Marso 14, 2026.

Ayon sa LTFRB, ang bagong gabay ay batay sa provisional order na inilabas noong Marso 13 upang tiyakin ang pare-parehong pagpapatupad ng bagong pasahe sa lahat ng provincial bus operators at ruta sa buong bansa.

Sa ilalim ng bagong fare guide:

–Ang air-conditioned, super deluxe, at deluxe buses ay may dagdag na ₱0.35 kada kilometro.

–Ang luxury buses naman ay may ₱0.45 kada kilometro na dagdag.

–Para sa ordinary provincial buses, may ₱1.00 dagdag sa base fare at ₱0.30 kada susunod na kilometro.

Pinayuhan ng LTFRB ang mga operator na mahigpit na sundin ang updated Fare Guide at siguraduhing nakapaskil ang tamang pasahe sa loob ng kanilang mga bus upang malinaw na makita ng mga pasahero.

Hinimok din ang mga commuter na i-check ang tamang pasahe batay sa opisyal na fare guide at i-report sa LTFRB ang anumang kaso ng overcharging o paglabag.

Ayon sa ahensya, layunin ng fare adjustment na balansehin ang kapakanan ng mga pasahero at transport operators habang nagbabago ang kondisyon ng ekonomiya.

Dumating ang pagtaas ng pasahe habang nananatiling pabago-bago ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa tumitinding tensyon sa Middle East. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here