MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki matapos makumpiskahan ng P408,000 halaga ng umano’y shabu sa isang buy-bust operation sa Quiapo, Maynila.
Kinilala ng Manila Police District ang mga biktima na sina Brando Martinez at William Sibal, kapwa residente ng Tondo.
Ayon sa ulat ng pulisya, ikinasa ang operasyon ng mga tauhan ng MPD Barbosa Police Station (PS-14) kaugnay sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) Biyernes ng gabi sa C. M. Recto Avenue kanto ng Loyola Street, Barangay 390 sa Quiapo.
Narekober sa mga suspek ang apat na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng 60 gramo ng hinihinalang shabu.
Dinala sa custodial facility ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Act of 2002. Jocelyn Tabangcura-Domenden