LUCENA CITY-HIGIT P1.1 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang high value target suspek sa isinagawang buy bust operation nitong Biyernes, Setyembre 20 sa lungsod na ito.
Ayon kay Lieutenant Colonel Dennis de Guzman, hepe ng Lucena City police, bandang 4:15 PM nang madakip ang suspek na si alyas“Ali,” sa Barangay Sabang ng naturang lungsod.
Nakabili ang operatiba sa suspek ng P3,000.00 halaga ng shabu.
Nakuha pa sa suspek ang pitong pakete na naglalaman ng 58 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa halagang P1,183,200.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. Mary Anne Sapico