Home METRO Till death do us part: Magkasintahang tulak, isinelda

Till death do us part: Magkasintahang tulak, isinelda

80
0

SANTIAGO CITY, Philippines – ‘Till Death Do Us Part’ na hanggang sa kulungan ay gustong magsama ang magkasintahan matapos mahuli ang mga ito sa pagbebenta ng illegal na droga ng kapulisan sa Purok 7, Brgy. Balintocatoc, Santiago City.

Tuluyan nang isinelda ng pulisya ang magkasintahan na kinilalang sina alyas ‘Aldy’, helper, 23-anyos at residente ng Brgy. Victory Norte at alyas ‘Mika’, 19-anyos at residente ng Brgy. Rizal, Santiago City.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng magkasintahan ang limang pakete ng pinaniwalaang shabu, limang piraso ng ₱1,000 boodle money, ₱500 genuine money at kanilang mga cellphone.

Nahaharap ang magkasintahan sa kasong paglabag sa Sec.5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here