MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang 200 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.36 milyon mula sa dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga sa buy-bust operation sa Barangay Bakhaw, Iloilo City.
Sinabi ni Police Col. Kim Legada, hepe ng Iloilo City Police Office (ICPO), na prayoridad nila ang pagpapahina sa distribusyon ng illegal na droga bago ang Dinagyang weekend.
Pinuri naman ni Police Brig. Gen. Jack Wanky, Police Regional Office-6 chief, ang tagumpay na ito ng operating units.
“Maintain the intensification of our effort in fighting this illegal drug problem in order that those involved be prevented from their ongoing illegal activities,” sinabi ni Wanky. RNT/JGC