Home METRO P1.38-M ismagel na yosi nasabat sa MisOr checkpoint

P1.38-M ismagel na yosi nasabat sa MisOr checkpoint

Nasamsam ng mga awtoridad sa Gingoog City, Misamis Oriental ang mahigit P1.38 milyon na halaga ng smuggled na sigarilyo sa isang checkpoint operation noong gabi ng Miyerkules.

Hinarang ang isang puting van truck na may 53-taong-gulang na driver at 19-taong-gulang na pasahero.

Narekober ang kabuuang 1,731 ream ng sigarilyo.

Ang mga nakumpiskang gamit, pati na ang sasakyan, ay ibabalik sa Bureau of Customs sa Tagoloan. RNT