Nakulong ang isang lalaki sa Samal Island matapos magsinungaling sa pulisya na siya ay naholdap.
Sa imbestigasyon, inamin niyang gawa-gawa lang ang kuwento para pagtakpan ang pagkatalo niya ng P10,000 sa STL — pera na ipinangbayad sana sa kuryente na galing sa kanyang misis.
Dahil sa insidente, nagkaroon ng checkpoint ang pulisya na nakaabala sa mga motorista. Kinasuhan ang lalaki sa ilalim ng Presidential Decree 90 dahil sa pagbibigay ng maling impormasyon.
Paalala ng pulisya: hindi basta-basta naloloko ang mga imbestigador. RNT