Home METRO P1.7-M tobats, armas nasamsam sa kelot sa checkpoint

P1.7-M tobats, armas nasamsam sa kelot sa checkpoint

169
0

COTABATO CITY — Inaresto ng pulis at sundalo ang isang lalaki na nakuhanan ng tinatayang P1.7 milyong halaga ng shabu at isang baril sa isang surprise inspection sa national highway sa Datu Montawal, Maguindanao del Sur noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Capt. Nurjhasier Sali, hepe ng Datu Montawal municipal police station, ang suspek na si “Alias Salik,” 26, residente ng Barangay Pagagawan, Datu Montawal.

Nagsasagawa ng inspeksyon ang pulis at mga sundalo mula sa 40th Infantry Battalion nang mapansin nilang balisa si Salik habang dumaraan sa checkpoint.

Sa plain view search, nakuhanan siya ng cal. 38 revolver na nakatago sa kanyang baywang, habang sa hiwalay na inspeksyon sa kanyang bag, natagpuan ang 262.96 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P1.78 milyon. Nalaman din na may laman ang baril.

Nasa kustodiya ng Datu Montawal municipal police station detention facility ang suspek at haharap sa kaso ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 para sa ilegal na pag-aari ng baril.

Ayon kay Sali, isinagawa ang surprise inspection bilang preventive measure laban sa mga pamamaril at pagnanakaw, at binanggit na madalas na nangyayari ang mga insidenteng ito sa kahabaan ng highway sa Barangay Pagagawan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here